^

Bansa

Singson umamin sa drug trafficking sa HK

- Ni Elen Fernando -

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson sa korte sa Hong Kong na hawak niya ang droga na nakumpiska sa kanya habang papasok sa Chek Lap Kok International Airport noong nakalipas na taon at halos pitong taon na siyang user o gumagamit ng ilegal na droga.

Sa kanyang pag­ha­rap sa Wan Chai District court sa Hong Kong, ina­min ni Singson na simula noong taong 2004 ay isa na siyang user ng ipinagbabawal na gamot partikular ang cocaine.

Inamin din ni Singson na dumanas siya ng matinding depres­yon noong 2007 sanhi upang labas-pasok siya sa ospital at ma-diagnos ng doktor na may severe depression.

Nagsimula din umano siyang gumamit ng may 4 hangang 5 gramo ng cocaine noong nakalipas na taon, bago ang kanyang pagkakahuli sa HK International Airport noong Hulyo 11, 2010.

Ibinunyag din ng kon­gresista sa korte na isang nagngangalang Ben­jie Leo­bin ang nag­su-supply uma­no sa kanya ng ilegal na droga habang ang cocaine na nakuha sa kanya ay ipinasa lamang umano sa kanya sa airport at ang nagpasa ay naka­takas.

Nag-plead guilty si Singson sa kasong drug trafficking matapos na ma­­kuha sa kanyang hand carry bag ang may 26.1 gramo ng cocaine na na­pababa sa 6.6 gra­mo ng cocaine at da­lawang tabletang dia­ze­pam o Valium.

Ang magiging hatol ng hukom ay inaanta­bayanan na ng kampo ng kongresista matapos ang pag-amin nito sa kanyang kaso.

CHEK LAP KOK INTERNATIONAL AIRPORT

HONG KONG

ILOCOS SUR REP

INAMIN

INTERNATIONAL AIRPORT

RONALD SINGSON

SHY

SINGSON

WAN CHAI DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with