^

Bansa

3 maralita nagka-house & lot kay Sen. Villar

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Para na ring tumama sa lotto ang tatlong maralita na biglang nagbago ang buhay sa tulong ni Senador Manny Villar, makaraan silang makatanggap ng bahay at lupa sa kaarawan ng television host na si Willie Revillame na kaibigan ng mambabatas.

Kabilang ang mga pa­ngalan nina Clarita Santos mula sa Balasan, Iloilo; Remedios Cuevas ng Tanza, Rizal; at Patricio Santos ng Sta Maria, Bulacan sa mga natawag sa pakontes ni Willie sa kanyang programang Willing Willie sa TV5. Kailangan ng mga kalahok na makuha mula sa pinaghalo-halong 45 susi ang tamang susi na makakabukas sa pinto ng ipinamimigay na two-bedroom house and lot ng Camella na pag-aari ng pamilya Villar.

Sa unang pagtatangka ay nakabukas na ka­agad si Santos ng pinto. Hindi naman pinalad sina Epifania Buenavente ng Cavite at Merlinda Fernandez ng Valenzuela ka­hit binigyan pa sila ng tatlong pagkakataon.

Bumunot muli ng da­lawang pangalan si Sen. Villar at napili na sina Cuevas at Santos. 

Sinabi ni Cuevas kay Villar na dati siyang iskuwater sa isang lote ng housing project na Carissa subd. sa Rizal na pag-aari rin ng kumpanya ng senador. Pero napilitan umano siyang umalis sa nabanggit na lote dahil may nakabili na nito.

Isang linggo raw siyang pumila sa Willing-Willie sa pagbabakasa­ling suwertehin. Ibinenta rin lang niya ang kanyang higaan sa halagang P500 para may pamasahe sila ng kanyang anak patungo sa TV 5 sa Novaliches, Quezon City.

Sa unang tangka na magbukas ng pinto, kapwa nabigo ang dalawa. Pero sa ikalawang pagkakataon ay nagtagum­pay na si Santos habang bigo pa rin si Cuevas.

Nagdiriwang na sina Santos at Santos nang biglang ipatawag muli ni Villar si Cuevas at sinabing bibigyan niya ito ng bahay sa iniwan niyang Carissa Subd sa Rizal.

Sa labis na tuwa, um­i­iyak na niyakap ni Cuevas, 50, ang Senador. Maging ang kaisa-isang lalaking kalahok na si Santos ay hindi napigilan ang mapaiyak habang nagpapa­sa­lamat sa biyayang natanggap nila kay Sen. Villar.

Samantala, pina­ba­unan naman ni Villar ng tig-P20,000 sina Buenavente at Fernandez.

CARISSA SUBD

CLARITA SANTOS

CUEVAS

EPIFANIA BUENAVENTE

MERLINDA FERNANDEZ

PATRICIO SANTOS

PERO

RIZAL

SANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with