MANILA, Philippines - Inisnab lamang ng mga car dealers at business establishments ang hiling ni QC Police Chief Benjarde Mantele na kung maaari ay ipagbigay alam sa pulisya kung magpapasok ng pera sa bangko o maglalabas ng sasakyan mula sa kanilang tindahan.
Ayon sa Car Dealers Association sa QC, wala silang katiyakan kung tahasang mapoprotektahan ng pulisya ang kanilang kapakanan oras na ibigay ang mga confidential issues na pinanghahawakan tulad na lamang ng pagdadala ng pera sa mga bangko.
Bagamat maganda anila ang adhikain ni Mantele sa kanyang binanggit, hindi pa rin sila kumbinsido na maipaalam sa mga pulis ang ilang impormasyon dahil minsan may mga pulis pa nga anila ang sangkot sa krimen.
Nangako naman si Mentele sa pulong sa pagitan ng mga car dealers mula sa Commonwealth Avenue, Banawe, Edsa at Quezon Ave. na dodoblehin ang police visibility sa lugar upang pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga tauhan at ng publiko doon.