^

Bansa

TF Commonwealth suportahan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo sa mga motorista na sundin ang mga traffic regulation sa Commonwealth Avenue upang maiwasan ang mga nakamamatay na aksidente sa naturang highway.

Ayon kay Castelo, ang mga bagong regulasyon ay ginawa ng Task Force Commonwealth na kanyang pinangunahan bilang bahagi ng kanyang proyekto na gawing accident-free ang kinatatakutang kalsada sa Quezon City.

Itinatag ni Castelo ang task force matapos ang malupit na sinapit ng isang retired judge at asawa nito sa isang vehicular accident bago magpasko  nuong nakaraang taon kung saan niragasa ng isang bus ang sinasakyan nilang Pajero. Namatay agad ang dalawang biktima matapos ang aksidente.

Bilang bahagi ng task force, nag-designate na ang MMDA na bawat lanes para sa mga bus, jeep, at motorsiklo sa Commonwealth. Mahigpit din umanong ipatutupad ang loading at unloading zone pati na ang pedestrian lane-only crossing.

vuukle comment

AYON

BILANG

CASTELO

COMMONWEALTH AVENUE

HINILING

ITINATAG

MAHIGPIT

QUEZON CITY

QUEZON CITY REP

TASK FORCE COMMONWEALTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with