^

Bansa

Mga padrino ng 'Dominguez' huhubaran

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatalupan ng Philippine National Police (PNP) ang mga sina­sabing maiimpluwen­syang protektor na nasa likod ng mahabang panahong pamamayagpag ng Dominguez carjacking syndicates na pinamumunuan ng mag-utol na Raymond at Roger.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na hindi tatagal ang iligal na aktibidades ng Dominguez carjacking gang kung walang mga ahensya ng pamahalaan at mga tiwaling mga opisyal na nagbibigay proteksyon sa mistulang ‘untouchables’ na grupo.

Isa sa hinihinalang kasabwat ng Dominguez gang ay taga- Land Transportation Office (LTO).

Ang grupo ay may 31 kasong kriminal kabilang ang falsification of public documents, illegal possession of firearms at 19 kaso ng carjacking kung saan nakakapagpiyansa ang mga ito.

Sa kabuuang 28 plaka ng sasakyan na narekober sa hideout ng mga Dominguez sa Pampanga ay 24 na ang naberipika ng Highway Patrol Group.

Samantala, inihayag rin ni Special Investigation Task Group (SITG) Head P/Chief Supt Benito Estipona na hindi nag-match sa pagsusuri ng Firearms and Explosives Division (FED) ang mga bala ng 9mm pistol na ginamit sa pagpatay sa mga car dealers na sina Venson Evangelista at Emerson Lozano gayundin sa kasama ng huli na si Ernani Sensil.

Aminado ang opisyal na ‘back to zero’ ngayon ang kanilang isinasagawang pag-iimbestiga at patuloy pa ang kanilang paghahanap sa mga bala ng armas na posibleng ginamit sa karumal-dumal na krimen.

CHIEF SUPT BENITO ESTIPONA

DOMINGUEZ

EMERSON LOZANO

ERNANI SENSIL

FIREARMS AND EXPLOSIVES DIVISION

HEAD P

HIGHWAY PATROL GROUP

LAND TRANSPORTATION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with