MANILA, Philippines - Isinulong kamakailan ni Councilor Precious Hipolito Castelo ang isang resolusyon upang hindi na magbayad pa ng amusement tax ang mga
prodyuser ng mga concert na nagtatanghal ng mga Pilipinong artista at musika sa local na pamahalaan ng Quezon City.Ayon kay Precious, layunin ng naturang hakbang na muling pasiglahin ang mga prodyuser na naghihikahos dahil na rin sa masamang epekto ng piracy na siyang itinuturong dahilan kung bakit unti-unting namamatay ang industriya ng musikang Pilipino.??
Ipinaliwanag ni Castelo na ang piracy ang nagpababa ng album sales kung kaya’t nawalan ng interes ang mga major record labels na pumirma ng mga kontrata sa mga bagong mang-aawit, banda o kahit na sa mga dati nilang mga talent. ???“Granting exemptions to the producers in the payment of amusement tax will be an incentive to promote the growth and development of the Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit,” ani Castelo.??
Nagbabayad ng amusement tax ang mga nasabing prodyuser sa Quezon City government sa kasalukuyan batay na rin sa isang ordinansa.
Sa katunayan, humingi na rin ng tulong ang OPM sa Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas upang ipromote ang lokal na industriya at hilingin ang nasabing tax exemption.??
Palagay naman si Precious na maaaprubahan ang kanyang resolusyon dahil na rin umano sa isang batas na nagbibigay daan upang magbigay ang bawat lokal na pamahalaan ng exemption katulad ng kanyang isinusulong. ??
“Based on section 192 of RA 7160 or the local government code of 1991, every local government unit may, through an ordinance duly approved, may grant exemption, incentives or relifs under such terms and conditions as they may deem necessary,” dagdag pa ni Precious.