^

Bansa

Amusement tax exempt para sa mga OPM produ isinulong sa QC

-

MANILA, Philippines - Isinulong kamakailan ni Councilor Precious Hipolito Castelo ang isang resolusyon upang hindi na magbayad pa ng amusement tax ang mga

prodyuser ng mga concert na nagtatanghal ng mga Pilipinong artista at musika sa local na pamahalaan ng Quezon City.

Ayon kay Precious, layu­nin ng naturang hakbang na mu­ling pasiglahin ang mga prodyuser na naghihikahos da­hil na rin sa masamang epekto ng piracy na siyang itinuturong dahilan kung bakit unti-unting namamatay ang industriya ng musikang Pilipino.??

Ipinaliwanag ni Castelo na ang piracy ang nagpababa ng album sales kung kaya’t nawalan ng interes ang mga major record labels na pumirma ng mga kontrata sa mga bagong mang-aawit, banda o kahit na sa mga dati nilang mga ta­lent. ???“Granting exemptions to the producers in the payment of amusement tax will be an incentive to promote the growth and development of the Orga­nisasyon ng Pilipinong Mang-aawit,” ani Castelo.??

Nagbabayad ng  amusement tax ang mga nasabing prod­yu­ser sa Quezon City go­vernment sa kasalukuyan batay na rin sa isang ordinansa.

Sa katunayan, humingi na rin ng tulong ang OPM sa Ka­pisanan ng mga Broad­caster sa Pilipinas upang ipromote ang lokal na industriya at hili­ngin ang nasabing tax exemption.??

Palagay naman si Precious na maaaprubahan ang kanyang resolusyon dahil na rin umano sa isang batas na nagbibigay daan upang magbigay ang bawat lokal na pamahalaan ng exemption katulad ng kanyang isinusulong. ??

“Based on section 192 of RA 7160 or the local government code of 1991, every local government unit may, through an ordinance duly approved, may grant exemption, incentives or relifs under such terms and conditions as they may deem necessary,” dagdag pa ni Precious.  

AYON

CASTELO

COUNCILOR PRECIOUS HIPOLITO CASTELO

IPINALIWANAG

ISINULONG

NAGBABAYAD

PILIPINONG MANG

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with