^

Bansa

Pagpatay kay Venson, planado

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Planado umano ang karumal-dumal na carjacking, pagpatay at pagsunog sa bangkay ng car dealer na si Venson Evangelista.

Ito ang lumilitaw sa sinumpaang salaysay ng isa sa pangunahing suspect na si Alfred Mendiola alyas Bading.

Itinuro ni Mendiola ang magkapatid na sina Raymond at Roger Dominguez bilang mga “utak” umano at nagplano ng pag-carjack sa ibinebentang sasakyan ni Evangelista sa apartment ng mag-utol sa Greenville Subdivision sa San Fernando, Pampanga dakong alas-10:30 ng umaga noong Enero 13.

Ang nasabing apartment ay ni-raid ng mga awtoridad nitong Biyernes ng gabi kung saan nakum­piska ang mga armas, bala, sunog na driver’s license ni Evangelista.

Kabilang pa sa bumubuo sa notoryus na Dominguez carjacking gang ay sina Ferdinand Parulan, Allan Torres, isang Jayson, alyas Rolly, Joel at alyas Soy.

Inamin ni Mendiola na siya ang inatasan nina Dominguez na magsilbing middleman kay Evangelista kung saan ay nagpanggap si Torres na bibilhin ang ibinebentang kulay berdeng 2009 Toyota Land Cruiser (NAI-316) ng biktima, si Raymond ang lookout na sakay ng kulay puting Toyota Expedition habang si Jayson naman ang back-up sakay ng kulay berdeng Pajero. Isa ring kulay itim na Ford Everest ang nagsilbing back-up ng grupo.

Sa umpisa pa lamang umano ay idineklara na ni Rolly na papatayin nila si Evangelista kung saan dumating sila sa bahay ng biktima sa Quezon City dakong alas-4 ng hapon noong Enero 13.

Bandang alas-4:15 habang nagte-test drive si Evangelista ay inagaw ng mga suspek ang manibela sa biktima at tinutukan na ito ng baril matapos na kuyugin ng iba pa nilang mga kasamahan na nagsipasok sa naturang Land Cruiser.

Mula sa Cubao ay binaybay ng mga ito ang North Luzon Expressway hanggang sa makarating sa Mabalacat, Pampanga pasado alas -5 ng hapon.

Inutusan umano ni Rolly si Mendiola na pumunta sa mall at bumili ng gulong saka gasolina na gagamitin sa pagsunog kay Evangelista matapos na patayin ang biktima.

Si Evangelista ay pi­niringan ng mga suspect ng packing tape sa mata, bibig at kamay at ayon kay Mendiola ay hindi niya na alam ang sumunod na mga pangyayari.

Nabatid pa na pinaghatian ng mga suspect ang gamit ni Venson kung saan ang kuwintas at bracelet nito ay kinuha ni Rolly, cellphone ay napunta kay Joel, habang kinuha naman ni Roger ang P3,500.00 cash, ATM card, driver’s at gun license ng biktima.

Ang sunog na bangkay ni Evangelista na may tama ng bala ng cal 9mm sa ulo ay natagpuan sa Brgy. Buliran, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Enero 14.

vuukle comment

ALFRED MENDIOLA

ALLAN TORRES

CABANATUAN CITY

DOMINGUEZ

ENERO

EVANGELISTA

FERDINAND PARULAN

MENDIOLA

ROLLY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with