Lider ng Akbayan partylist, political adviser ni P-Noy
MANILA, Philippines - Inanunsiyo ng Malacañang ang pagkakatalaga ni Pangulong Aquino kay Akbayan Partylist president Ronald Llamas bilang kanyang political adviser.
Nabatid kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, lalagdaan na lamang ng Pangulo ang appointment papers ni Llamas na sumuporta sa kandidatura ni P-Noy noong May 2010 elections. Kasamahan siya ng natalong senatorial candidate na si Rissa Hontiveros.
Bukod sa pagiging political adviser ng Pangulo ay magiging kinatawan din ito ni PNoy sa ibat ibang political engagements.
Nauna nang itinalaga ni Aquino bilang chief troubleshooter ang talunang runningmate nitong si dating Sen. Mar Roxas.
Sa sandaling matapos na ang 1-year ban sa mga talunang kandidato ay itatalaga din ni PNoy sa ibat ibang cabinet post ang mga natalong senatorial candidates nito.
Sinabi naman ni Aquino, kailangang magbitiw sa pagiging miyembro ng board ng Development Bank of the Philippines (DBP) si Llamas.
- Latest
- Trending