MANILA, Philippines - Pabor si Ang Kasangga partylist Representative Teodorico Haresco na buksan ang usapin ng pag-amyenda ng Saligang Batas sa pamamagitan ng Constitutional Convention (Con-Con) pagkatapos ng halalan sa taong 2013.
Naniniwala si Haresco na hindi maaantala ng Con-Con sa 2013 ang pagpupursige ng Kongreso na mapagtibay ang mga lehilasyong pangreporma na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Ilang taon na aniyang pinagdedebatihan ang usapin ng charter change kung kaya’t napapanahon nang humakbang ang Kongreso at maglatag ng malinaw na paninindigan dito.
“We can have the election to the ConCon when we elect our senators in 2013. The issues that may be tackled during the convention could be divisive, but that is exactly what democracy is all about. We must let superior ideas reign supreme and be enshrined in our fundamental law, dagdag ng mambabatas.
Naniniwala rin si Haresco na hindi maituturing na pagsasayang ng panahon o pondo ng gobyerno ang pag-arangkada ng mga debate tungkol sa pagbabago ng Konstitusyon sapagkat nakasalalay dito ang kinabukasan ng mga musmos ngayon.