^

Bansa

Kinatawan ng GRP at NDF nagtagpo sa Norway

-

OSLO, Norway (AP) — Nagkita sa kabisera ng Norway ang mga kinatawan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng National Democratic Front-Communist Party of the Philippines-New People’s Army para sa impormal na pag-uusap bago simulang muli ang negosasyong pangkapayapaan.

Kabilang sa sesyon nitong Biyernes ang isang welcome ceremony at introductory remarks at magsisimula sa Sabado ang aktuwal na diskus­yon, ayon kay Ture Lund, isang opisyal ng Norwegian Foreign Ministry na nagsaayos ng pag-uusap.

Tumanggi siyang banggitin ang pangalan ng mga kinatawan ng magkabilang panig at walang sino man sa mga ito ang magbibigay ng komentaryo hinggil sa pulong hanggang hindi ito matatapos sa Enero 18.

Nasuspinde noong taong 2004 ang negosasyon ng GRP (government of the Republic of the Philippines) at ng NDF kasabay ng akusasyon na sinulsol ng una ang pagkakasama ng CPP at NPA sa listahan ng United States at ng Europe hinggil sa mga teroristang organisasyon sa Daigdig.

vuukle comment

BIYERNES

DAIGDIG

ENERO

KABILANG

NAGKITA

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT-COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

NORWEGIAN FOREIGN MINISTRY

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

TURE LUND

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with