^

Bansa

Flashflood: 18,000 Pinoy sa Australia inilikas

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines –  Libu-libong Pinoy ang lumikas at kasalukuyang nasa mga evacuation centers matapos na maapek­tuhan ng matinding pananalasa ng baha sa Queensland, Australia.

Inamin kahapon ng Embahada ng Pilipinas sa Canberra sa Department of Foreign Affairs na labis din silang naapektuhan ng flashfloods sa Queensland.

Sa tala ng DFA, may 18,000 Pinoy ang kasalukuyang nagtatrabaho at nakatira sa Queensland.

Ayon sa Embahada, kasalukuyan silang nakikipag-koordinasyon sa Philippine Honorary Consulate General sa Brisbane at Filipino community leaders sa Queensland upang tuluy-tuloy ang kanilang pagmo-monitor sa sitwasyon ng mga Pinoy na naapektuhan ng pagbaha mula sa mga apektadong lugar sa Queensland.

Inatasan na rin ni Charge d’Affaires Mary Anne Padua si  Consul General Allan Grummit sa Brisbane na bisitahin ang mga Pinoy na inilikas sa mga eva­cuation centers upang agad na mabigyan ng tulong at pansamantalang matutuluyan.

“We have all been affected in one way or another  by the devastating floods, which affected almost the entire State of Queensland,” ani Grummit.

Sa huling tala na tinanggap ng DFA, may 200,000 katao ang naapektuhan sa matinding baha na nag-iwan ng may 15 kataong patay at 70 iba pa ang na­wawala.

vuukle comment

AFFAIRES MARY ANNE PADUA

AYON

CONSUL GENERAL ALLAN GRUMMIT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

PHILIPPINE HONORARY CONSULATE GENERAL

PINOY

QUEENSLAND

STATE OF QUEENSLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with