Run for a MAMMOGRAM program, pangungunahan ni Joy B

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang isang benefit run para mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa breast cancer sa Marso­ 6 ng taong ito sa ilalim ng proyektong  “Run For A Mammogram” na gagawin sa UP campus.

Bukod sa public awareness sa breast cancer la­yu­nin­ din ng proyekto na makalikom ng pondo para ma­kabili ng bagong mobile mammogram sa QC at tuloy­ mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan sa lunsod.

Dalawang kababaihan mula sa bawat bara­ngay ng bawat distrito sa lungsod ang kaisa sa pagtakbo   na  suportado ng mga city councilors dito.

Umaasa si Vice Mayor Belmonte na sa pamamagitan ng proyektong ito ay maunawaan ng lahat ng  mga kababaihan  sa QC ang kahalagahan ng pa­ngangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa early screening at kumpletong aktibidad ng programa.

Ang lahat ng mga kababaihan sa QC ang benepisyaryo ng naturang proyekto.

Show comments