10-libo nurse kailangan ng DOH, DSWD

MANILA, Philippines - Nangangailangan ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD)  ng 10,000 registered nurse para maging bahagi ng programang Registered Nurse for Health Enhancement and Local Service (RN HEALS).

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ilalagay ang mga kwalipikadong aplikante sa 1,000 priority areas o mga mahihirap na lugar sa bansa para doon magbigay ng serbisyong medikal.

Sinabi ni Ona na ma­ra­­ming lugar sa bansa ang hindi nabibigyan ng  atensiyong medical at ma­ging mga health professionals kaya panahon na upang maglagay ng mga nurse na siyang magbibigay ng mga first aid sa mga pasyente at nangangailangan.

Sa katunayan umano, dapat na ang mga nurse ay nabibigyan ng sapat na benepisyo dahil walang oras ang kanilang paninil­bihan sa mga humihingi ng tulong.

Magsisimula ang recruitment para sa naturang programa sa Biyernes, Enero 17-Pebrero 4 at ma­aaring mag-apply online sa ng website na dole.gov.ph kung saan din makikita ang mga mapipiling aplikante simula naman sa Pebrero 7.

Tatanggap ang mga volunteer nurse ng P8,000 kada buwan bukod pa ang P2,000 allowance na hihilingin nilang ibigay ng mga local government unit na kanilang pagsisil­bihan.

Show comments