MANILA, Philippines - Binigyan na ng lisensiya ng Food and Drug Administration (FDA) ang Marco Polo Flour Mills Inc. na una nang inakusahang iligal na gumagawa harina.
Ang License to Operate No. RDII-MM-F-4265 ay inisyu sa Marco Polo Flour Mills Inc. noong Dec. 28, 2010 matapos na mapag-alamang sumunod ang nasabing kompanya sa FDA rules and regulations sa technical requirements.
Noong Setyembre sinalakay ang Marco Polo mata-pos na ireklamo ng ilang consumer na nag-o-operate ito ng walang kaukulang lisensiya.
Subalit lumilitaw naman na matagal nang sumunod sa regulasyon ng FDA.Hindi din naman papayagan ng FDA ang operasyon ng isang kompanya kung hindi ito sumusunod sa technical requirements ng ahensiya.
Nabatid na negatibo sa potassium bromate ang harina at ligtas gamitin.
Ang pahayag ng kompanya ay bilang tugon sa naging akusasyon ng mga pulis na nang-raid sa kanilang factory na ang harinang binebenta ay may potassium bromate, isang kemikal na ginagamit sa paggawa ng tinapay na ipinagbabawal sa maraming bansa.
Subali’t, nabigo ang mga awtoridad na patunayan ang kanilang akusasyon makaraang ipasuri ito sa FDA scientists at walang makita ang mga ito sa harina na may potassium bromate at napag-alaman na maari itong gamitin.