^

Bansa

Marco Polo Flour Mills legal, may lisensya-FDA

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Binigyan na ng lisensiya ng Food and Drug Administration (FDA) ang Marco Polo Flour Mills Inc. na una nang inakusahang iligal na guma­gawa harina.

Ang License to Operate No. RDII-MM-F-4265 ay inisyu sa Marco Polo Flour Mills Inc. noong Dec. 28, 2010 ma­tapos na mapag-alamang su­munod ang nasabing kompanya sa FDA rules and re­­gulations sa tech­nical re­quirements.

Noong Setyembre sina­la­kay ang Marco Polo mata-pos na ireklamo ng ilang con­sumer na nag-o-operate ito ng walang kaukulang li­sen­siya.

Subalit lumilitaw naman na matagal nang sumunod sa regulasyon ng FDA.Hin­di din naman papayagan ng FDA ang operasyon ng isang kompanya kung hindi ito sumusunod sa technical requirements ng ahensiya.

Nabatid na negatibo sa potassium bromate ang harina at ligtas gamitin.  

Ang pahayag ng kompanya ay bilang tugon sa naging akusasyon ng mga pulis na nang-raid sa kanilang factory na ang harinang binebenta ay may potassium bromate, isang kemikal na ginagamit sa paggawa ng tinapay na ipinagbabawal sa maraming bansa.

Subali’t, nabigo ang mga awtoridad na patunayan ang kanilang akusasyon makaraang ipasuri ito sa FDA scientists at walang makita ang mga ito  sa harina na may potassium bromate at napag-alaman na maari itong gamitin.  

ANG LICENSE

BINIGYAN

DRUG ADMINISTRATION

MARCO POLO

MARCO POLO FLOUR MILLS INC

NABATID

NOONG SETYEMBRE

SHY

SUBALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with