'Okay lang kahit wala ng FB'

MANILA, Philippines - Sa gitna ng pagkalat ng tsismis na mawawala na ang sikat na social networking site na Facebook, balewala naman ito kay Senator Francis “Chiz” Escudero na hindi umano maaapektuhan kahit mayroon siyang FB account.

Sinabi ni Escudero na okay lang sa kaniya kahit pa magkatotoo ang tsismis na hanggang Marso 15 na lamang ang FB na kinalolokohan ngayon hindi lamang ng mga Filipino kundi ng buong mundo.

Naniniwala si Escudero na hindi naman makakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao kahit pa mawala ang FB.

“Nabuhay naman tayo na walang facebook noon, siguro naman kaya nating mabuhay kahit wala iyon,” ani Escudero sa tsismis tungkol sa FB.

Aminado si Escudero na nakakatulong din sa kaniya ang FB dahil nalalaman niya ang kalagayan ng mga kaibigan at kamag-anak na nasa ibang lugar.

Show comments