^

Bansa

2 grupo ng sekyu nagbarilan

- Ni Francis Ele­vado -

MANILA, Philippines - Nauwi sa barilan ng dalawang grupo ng security agency maka­raang mag-agawan sa binabantayang minahan sa Sitio Sparline, Brgy Larap, sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kama­kalawa.

Sa ulat na nakara­ting sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr, bandang alas-11 ng umaga nang dumating sa Besimer Area, Gate 3 ng Yinlu Bicol Company sa Brgy. Larap ang walong security guards ng Gurkhas Security Agency sa pa­ngunguna ni Manuel Ro­sales na sinasabing building caretaker ng nasabing kompanya.

Nabatid na nagkaroon nang pagta­talo ang Gurkhas Se­­curity Agency at ang nakapuwestong Jack Security Agency matapos na sabihin ng Gurkhas na sila ang lehitimong magbabantay sa nasabing minahan na inisnab naman ng Jack Security.

Dito nagkaroon ng si­gawan hanggang sa magpaputok ng baril si Rosales na tinamaan sa kaliwang binti ang opis­yal ng Jack Security na si Felizardo de Jesus.  

Umabot ng halos ilang minutong palitan ng putok ang dalawang grupo ng security guard bago humupa kung saan narekober ng mga awtoridad ang mga basyo ng shotgun.

Kasalukuyang iniimbes­tigahan naman ng pu­lisya ang mga security guard ng Jack Se­curity Agency na sina  Edwin Helo, Peter John Evangelista, Jaime Caballero, Rodolfo Policarpio at si Erwin Urban habang tugis naman ang suspek na sina Rosales at ang kanyang mga kasamahang sekyu.

BESIMER AREA

BRGY LARAP

CAMARINES NORTE

CAMP WENCESLAO Q

EDWIN HELO

ERWIN URBAN

GURKHAS SE

JACK SECURITY

SECURITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with