Umento ng titser sa kinder pinaplano
MANILA, Philippines - Pinaplano ng Department of Education na dagdagan ang sahod ng mga guro sa kindergarten sa araling-taong 2011-2012.
Sinabi ng DepEd na layunin ng planong ito na mahikayat ang marami pang tutor na magturo sa kindergarten. “Pinag-aaralan ng departamento ang lahat ng paraan para mabigyan ng mas magandang benepisyo ang mga kindergarten teacher.
“Ang kasalukuyang P3,000 allowance ay para sa bawat apat na oras na shift at sinasaliksik namin ang mga paraan para mabigyan man lang sila ng P12,000 buwanang kompensasyon,” sabi ni Education Secretary Armin Luistro.
Batay sa datos ng DepEd, 27,000 bagong item ang kailangan para sa mga kindergarten teacher.
- Latest
- Trending