Pagbibigay ng US ng 5 lumang helicopters sa Air Force, hindi ikinatuwa ni Chiz
MANILA, Philippines - Hindi ikinatuwa ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang gagawing pagbibigay ng United States government ng limang lumang helicopter sa Philippine Air Force.
Ayon kay Escudero, chairman ng Senate Committee on National Defense, limang lumang helicopters ang ibibigay ng Amerika sa Air Force sa susunod na linggo.
Sabi ni Escudero, hindi sapat ang limang helicopter kung ikokonsidera ang napakatagal ng relasyon ng Pilipinas at Amerika.
“We have been a good ally and that the country deserves better treatment than being dumped with aged assets,” dagdag ni Escudero.
Ang limang helicopters ay bahagi ng President of the United States (POTUS) program at kasama sa 20 units na ipinangako ni dating US President George Bush, Jr.
Naniniwala si Escudero na nagmumukhang pulubi ang bansa sa patuloy na pagtanggap ng mga kagamitang pinaglumaan na ng Amerika.
- Latest
- Trending