^

Bansa

Dahil sa serye ng aksidente: Bus drivers: TESDA muna bago biyahe

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kailangan munang kumuha ng certificate sa Tesda o Technical Education and Skills Development Authority ang mga bus driver bago payagan ang mga ito na makabiyahe o makapag-drive sa lansangan, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Edgar Cabase, hepe ng LTO Enforcement Division, ang kautusan ay base sa pagsang-ayon ng Department of Transportation Office bunga ng sunod-sunod na aksidenteng kinasasangkutan ng mga ito sa lansangan.

Sinabi ni Cabase, sa pamamagitan ng certificate mula sa Tesda ay mapapatunayang ang mga driver ay sumailalim sa pagsasanay sa road safety program.

Ang naturang kautusan, dagdag ni Cabase, ay sisimulan nilang ipa­tupad ngayong buwan para masigurong ang mga bus driver ay may kaalaman sa ligtas na pagmamaneho sa lansangan.

Bukod sa mga bus driver, maging ang driver examiner, lecturer ng LTO, gayundin ang law enforcer nito, mga deputized law enforcement unit ng Land Transpor­tation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay kailangan ding sumailalim sa training at magpakita ng certificate galing Tesda bago nila gampanan ang kani-kanilang mga tungkulin.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pagpapatupad sa education campaign ng LTO sa mga driver.

Sabi ni Cabase, titi­punin nila ang lahat ng government drivers kasama ang mga ambulance drivers upang isailalim sa seminar sa wastong pagmamaneho matapos ang ilang aksidente na kinasangkutan ng mga ambulansya.

Maglulunsad din daw ang LTO ng mga ope­rasyon laban sa mga sa­sakyan na walang ilaw, walang signal light, at walang busina na karaniwang sanhi ng aksidente.

Maging ang mga pri­badong sasakyan ay hindi rin umano palalampasin ng nasabing kagawaran.

Samantala, sinuspinde na ng LTFRB ang prankisa ng Gasat Express bus na nasangkot sa karambola ng dalawa pang sasakyan sa Batangas na ikinasawi ng 7 katao.

Ang suspension ay ipatutupad ng kagawaran sa loob ng 30 araw kasabay ng kahilingan nito sa operators ng bus na magpaliwanag kung bakit sila hindi dapat suspendihin.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION OFFICE

EDGAR CABASE

ENFORCEMENT DIVISION

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

GASAT EXPRESS

LAND TRANSPOR

LAND TRANSPORTATION OFFICE

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

TESDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with