^

Bansa

P-Noy may ka-dinner sa Baguio City

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines –  Namataan sa Baguio City si Pangulong Aquino na nakikipag-dinner sa isang restaurant sa Harrison Road.

Ikinagulat din ni Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr. ang balitang palihim na pumanik sa Baguio City ang Pangulo.

Pero sinabi ng Malacanang na walang plano ang Presidente na gayahin ang tradisyon ng nakaraang mga administrasyon na sinasalubong ang Bagong Taon sa Baguio City.

Tumanggin din ang Public Information Agency (PIA) sa Cordi­llera Region na magbigay ng anumang detalye sa pagpunta ng Pangulo sa Baguio City.

Namataan ang convoy ng Pangulo na agad na nagtungo sa The Mansion matapos ang private dinner nito sa isang restaurant kamakalawa ng gabi.

Iginiit naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na sasalubungin lamang ni P-Noy ang Bagong Taon sa Bahay Pangarap at magkakaroon lamang ito ng lunch sa kanyang mga kapatid tulad ng ginawa nila noong Pasko.

vuukle comment

BAGONG TAON

BAGUIO CITY

BAHAY PANGARAP

HARRISON ROAD

HERMINIO COLOMA JR.

NAMATAAN

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SEC

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with