80-anyos lola nahulihan ng $147B treasury bonds
MANILA, Philippines - Pansamantalang pinigil ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang lola na may dalang US$147 billion halaga ng mga bogus US treasury bonds kaya kinumpiska nila ang mga ito bago sumakay ng isang international flight aircraft patungong USA, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng Customs ang isang Lethia Aragon, 80 anyos, isang Filipino-American national na nakunan ng may 294 piraso ng treasury bonds na tig-US$500,000 ang halaga ng bawat.
Si Aragon ay sasakay sa Continental Micro Asia flight 934 patungong Amerika pero nagduda ang mga awtoridad sa paliparan ng dumaan sa x-ray machine ang kanyang bag at bagahe.
Sinabi ni Aragon, binili niya ng P100,000 ang US treasury bond sa isa ring US citizen pero hindi niya alam na bogus o peke pala ito.
Gayunman, agad din pinaalis ng bansa si Aragon matapos masuri ng taga- US Embassy ang nasabing pekeng bonds.
- Latest
- Trending