MANILA, Philippines - Walang plano si Pangulong Aquino na ipadala sa Hong Kong ang 116 witness kaugnay sa naganap na Manila hostage crisis kung saan 8 HK tourists ang nasawi.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa media interview kahapon, mas nais nitong dito na lamang interbyuhin ang 116 testigo sa halip na ipadala ang mga ito sa Hong Kong.
Magugunita na unang inihayag ni Justice Sec. Leila de Lima na papayuhan niya ang Pangulo na huwag payagan ang mga witness na magpunta sa HK at sa halip ay igiit ang Mutual Legal Assistance Treaty sa pagitan ng bansa at HK.
Inimbitahan ng Hong Kong Court ang may 116 witness upang magbigay ng linaw kaugnay sa nangyari sa Aug. 23 hostage crisis.