New Year's resolution ni P-Noy: Regular exercise
MANILA, Philippines - Regular na exercise ang New Year’s resolution ni Pangulong Noynoy upang maging malusog ang kanyang pangangatawan.
Sinabi ng Pangulo sa media interview matapos nitong pangunahan ang ika-114th death anniversary ni Gat. Jose Rizal, ang maging physically fit ang kanyang nais sa pagpasok ng taong 2011.
Ayon kay P-Noy, regular na siyang mag-eehersisyo at sisimulan din niya ang regular na pagbibisikleta.
Idinagdag pa ng Pangulo, magiging regular working day lamang sa kanya ang New Year upang asikasuhin ang mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa.
Ipagdiriwang niya ang New Year sa Bahay Pangarap kung saan ay makakasama niya ang kanyang mga kapatid.
Sa pagpasok ng 2011 ay umaasa ito na lalong lalago ang ekonomiya ng bansa at mababawasan ang walang trabaho.
- Latest
- Trending