200 rounds ng live ammo, 100 kutsilyo nasabat
MANILA, Philippines - May 200 rounds ng live ammunition at 100 kitchen knives ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang cargo vessel sa Zamboanga nitong Martes ng gabi.
Batay sa ulat ng PCG, lumilitaw na nadiskubre ng K-9 and Special Operations teams ng Zamboanga unit ang mga ammunition na inabandona sa barkong MV Magnolia Fragrance, sa isinagawa nilang pre-departure inspection, dakong 7:45 ng gabi ng Disyembre 28.
Patungo umano ang barko sa Sitangkai, Tawi-tawi via Jolo, Sulu at Bongao, Tawi-tawi.
Habang isinasagawa ang inspeksiyon, namataan umano ng mga awtoridad ang isang box na abandonado at nang buksan ay nakita ang mga live ammunition ng caliber .60 (150 rounds), caliber .45 (50 rounds) at 100 pirasong kitchen knives.
Ang mga nakumpiskang armas at bala ay dinala sa Coast Guard Station Zamboanga para sa safekeeping at disposition.
Kaagad namang ipinag-utos ni PCG commandant Admiral Wilfredo Tamayo na imbestigahan kung sino ang may-ari ng mga naturang kargamento.
- Latest
- Trending