7 Pinoy binihag sa Somalia

MANILA, Philippines - Isa na namang barko na may lulang pitong tripulanteng Pinoy ang binihag ng Somali pirates sa Oman, nitong Martes.

Batay sa ulat ng European Union Naval Force, ang M/V EMS River ay sinalakay ng mga pirata may 175 milya sa northeast ng port of Salalah, sa Oman.

Bukod sa pitong Pinoy, kabilang umano sa walong crew ng barko ang isang Romanian.

Ang German owned na cargo ship, na may lulang petrol ay bumibiyahe mula sa Greece patungo sa United Arab Emirates.

Show comments