^

Bansa

Trabaho sagot sa pagdami ng mga batang rebelde

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dapat umanong tutukan sa taong 2011 ni Pa­ngulong Noynoy Aquino ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga mahihirap upang maiwasan ang pagdami ng mga batang rebelde sa kanayunan.

Ito ang binigyang diin ni Apostolic Vicariate ng Jolo, Sulu Bishop Angelito Lampon kung saan sinabi nito na ito‘y isang hamon na dapat tugunan ng administrasyong Aquino sa susunod na taon at upang maiwasan ang pagdami ng mga batang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Bp. Lampon, nakalulungkot ang katotohanang mara­ming mga inosenteng bata ang nasasangkot na sa rebelyon dahil sa kagutuman at hirap sa buhay na kanilang nararanasan.

Pinayuhan din ng Obispo ang pamahalaan na lumikha ng maraming developmental projects at livelihood programs sa mga mahihirap sa kanayunan upang hindi na lumala pa ang insurgency sa bansa.

Naniniwala naman si Lampon na gumagawa ng paraan ang Pangulo upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa.

APOSTOLIC VICARIATE

AQUINO

AYON

DAPAT

JOLO

LAMPON

NEW PEOPLE

NOYNOY AQUINO

SULU BISHOP ANGELITO LAMPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with