^

Bansa

'Maulan sa Bagong Taon' - PAGASA

- Ni ngie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Magiging maulan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Elvie Enriquez, weather forecaster ng   Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ito ay dahil sa tail-end of a cold front na nakakaapekto sa Luzon at sa wind con­vergence na nakakaapekto sa Visayas na nagdadala ng mga pag-ulan sa nabanggit na mga lugar.

“Sa Eastern Visayas, baka magkaroon ng flash floods and landslides, magiging maulan ang kanilang New Year,” dagdag ni Enriquez.

Sinabi niya na ang naturang tail-end of a cold front na may dalang mga pag-uulap sa kala­ngitan ang siyang ugat ng pag-ulan sa Northern Luzon.

Gayunman, wala namang bagyo na palapit sa bansa.

Kahapon, ang buong bansa ay maulap ang kalangitan na may kalat kalat na pag-ulan lalo na sa Metro Manila.

Katamtaman hanggang sa banayad ang karagatan.   

AYON

BAGONG TAON

ELVIE ENRIQUEZ

ENRIQUEZ

METRO MANILA

NEW YEAR

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SA EASTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with