MANILA, Philippines – Kontrolado ng pamahalaan ang pagbuhos ng lahar mula sa bulkang Bulusan sa kabila ng nagaganap na mga pag-uulan sa paligid nito.
Bunsod nito, ikinatuwa ng mga residente sa Sorsogon ang paunti unting pag-ulan sa kanilang lugar at sa ganitong sitwasyon anila, dahan-dahang naibubuhos ang mga ashfall maging ang lahar papunta sa kanilang mga kanal.
Ayon kay Boy Lopez ng Provincial Disaster Risk Management Office, malaki ang tulong ng pag-ulan noong mga nakaraang araw para mabawasan ang mga naipong abo at iba pang mga volcanic materials na dala ng huling pag-alburuto ng Mt. Bulusan.
Anya, nananatili sa alert level 1 ang bulkan at ang pananatili ng alert status ng Bulusan ay malaking tulong sa mga residente ng nasabing lugar upang maging alerto at handa sa mga susunod na magpakita ito ng abnormalidad.