^

Bansa

7 OFWs inaresto sa Saudi!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Pitong overseas Filipino workers na may kasamang tatlong bata ang dinakip ng mga awtoridad sa isinagawang drug operation sa isang bahay sa Saudi Arabia.

Ayon kay Mike Garlan, Migrante-Middle East secretary-general na nakabase sa Riyadh, ang pito ay kinabibilangan ng 4 na babae na may dalang mga anak na nagkaka-edad ng 1-3 buwang gulang at tatlong lalaking Pinoy ang pinagdadampot sa pagsalakay ng composite team ng Mottawa, ang lokal na pulis sa Saudi at Jawasat noong Disyembre 18 dakong alas-1 ng madaling-araw.

Ang apat na Pinay na may dalang mga anak ay kasalukuyang nakakulong sa Semeisy jail, habang napahiwalay naman sa kulungan ang tatlong Pinoy sa  Malaz Central Jail, pawang sa Riyadh.

Bunga nito, inalerto na ng Migrante ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at hiniling na mabigyan ng tulong at alamin ang pagkakakilanlan ng mga nakapiit na OFWs.

Nauna rito, may 33 runaway OFWs ang ina­resto ng Saudi Police noong Nobyembre 24 sa Al-Khobar, Eastern region ng Saudi Arabia matapos na salakayin ng lokal na police ang kanilang tirahan. Kabilang sa mga inaresto ay 27 kababaihan na may kasamang isang buwang sanggol at tatlong bata na kasama ngayon sa kulungan.

Sa tala ng Migrante-ME, umaabot sa 10,000 undocumented OFWs ang kasalukuyang nasa Saudi Arabia.

vuukle comment

AL-KHOBAR

AYON

MALAZ CENTRAL JAIL

MIGRANTE-MIDDLE EAST

MIKE GARLAN

PINOY

RIYADH

SAUDI ARABIA

SAUDI POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with