Bangko ng OFW isinulong ni Binay

MANILA, Philippines - Isinulong kahapon ni Vice President and Presidential Adviser of Overseas Filipino Wor­kers (OFWs) Concerns Jejomar Binay ang pagtatag ng OFW Bank para sa mas mababang remi­ttance rate.

Sa kaniyang liham kay Pangulong Benigno Aquino III, sinabi ni Binay na ang nasabing OFW Bank ay magbibigay ng alternatibong pinansyal na ekonomiya at remittance institution para sa ating mga kababayan sa lokal at maging sa ibang bansa.

Ayon kay Binay, ang kaniyang hakbang ay bilang tugon sa pa­nawagan ng mga OFW na magkaroon ang mga ito ng sariling financial institution dahilan karamihan sa mga ito ay biktima ng mas mataas na remittance rates na ipinapataw ng mga financial intermediaries at money brokers.

“The bank will provide fair competition towards the reduction, lowering of remittance, transaction costs and provide a productive outlet for our overseas Filipinos’ savings as bank investors and shareholders,” ani Binay.

Ang OFW Bank ay popondohan naman ng mga financial na institution na maaring ibenta at kontrolin ng mga OFW investors at stockhol­ders.

Show comments