P3.154-M reward sa mga impormante binigay ng PDEA
MANILA, Philippines – May kabuuang P3.154 milyong monetary rewards ang ipinamahagi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa pitong impormante na nagbigay daan para mabuwag ang ilang malalaking sindikato ng droga sa bansa.
Ayon kay PDEA Chief, Director General/Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago, ang programa ay kabilang sa proyektong “Operation: Private Eye” na bigyan ng rewards ang mga taong malaki ang naitutulong sa kanilang law enforcement.
Sa simpleng seremonya na ginawa sa PDEA National Headquarters sa lungsod, personal na ibinigay ni Santiago ang may kabuuang halagang Php 3,154,913.54 sa pitong impormante.
Dalawa sa mga ito ay nagbigay ng impormasyon para mabuwag ang laboratoryo ng shabu, isa naman ay pagkakadiskubre ng plantasyon ng Marijuana at pagkakadakip sa mga nagtatanim nito.
Habang ang iba ay nagbigay naman ng impormasyon para madiskubre, marekober at madakip ang mga drug traffickers.
Ang Operation “PRIVATE-EYE” ay ang pagbibigay ng rewards ng PDEA’s sa mga impormante bilang insentibo para mahikayat ang publiko na magbigay ng impormasyon na maaring magresulta sa pagkakalansag ng malalaking sindikato ng droga o personalidad na sangkot dito.
- Latest
- Trending