^

Bansa

Ex-NBI chief dismayado

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi pabor si dating NBI Director Mariano Mison sa naging pasya ng Korte Suprema sa Vizconde massacre case.

Nadidismaya si Mison kung bakit mas pinanigan ng Korte Suprema ang alibi ng mga akusado kaysa sa kredibilidad ng mga testigo na nagdidiin sa mga akusado sa krimen.

Tila umano nabalewala ang ginawang pag-iim­bestiga ng NBI kaugnay ng nasabing kaso. 

Lumalabas umano na hindi pinakinggan ng naka­rarami sa mga mahistrado ang mababang hukuman na duminig sa kaso at tila minaliit nila ang kredibilidad ng mga testigo.

Gayunman, aminado si Mison na wala na silang ibang magagawa kundi tanggapin na lamang ang naging desisyon ng Korte Suprema na lumikha ng malaking palaisipan kung sino ang totoong may kagagawan ng krimen.

Naaawa lamang umano siya kay Lauro Vizconde sa kinasapitan ng kaso dahil bigo itong makakuha ng katarungan para sa kanyang mag-iina na pinaslang.

Si Mison na nagsilbing NBI director noong taong 1995 ang nanguna para makakuha ng matitibay na lead ang mga otoridad kaugnay ng Vizconde Massacre case at sa ilalim din ng kanyang pamumuno sa NBI nang matunton si Jessica Alfaro na naging star witness sa kaso.

vuukle comment

DIRECTOR MARIANO MISON

GAYUNMAN

JESSICA ALFARO

KORTE SUPREMA

LAURO VIZCONDE

LUMALABAS

MISON

SI MISON

VIZCONDE MASSACRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with