MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Laoag City kahapon ng madaling araw, ilang oras matapos ang magnitude 4.0 na lindol sa Batangas City kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, alas 3:15 ng madaling araw nang maramdaman ang pagyanig sa may Laoag City na may lalim na 072 km. Wala namang naitalang intensity sa naturang pagyanig.
Una rito, alas 10:15 ng gabi nang makaranas ng 4.0 magnitude na pagyanig ang ilang lugar sa Batangas City.
Pawang mga tectonic ang origin ng nasabing insidente at wala ring mga aftershocks na naganap.