Ping donation box guwardiyado

MANILA, Philippines - Round the clock na binabantayan ng mga miyembro ng  Volunteer Against Crime and Corruption ang mga donation box na nakakalat sa mga shopping mall. 

Ito ay matapos ilun­sad ng VACC ang P2 mil­lion campaign fund para ga­wing pabuya sa agarang ikadarakip ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na utak sa Dacer-Corbito double murder case.   

Sinabi VACC Chairman Dante Jimenez na, mula pagbubukas at pagsasara ng mall, binabantayan ng mga tauhan nila ang donation box at ang mga ito ay nakasuot ng id at  VACC vest. Target din aniya ng VACC na maglagay ng donation box sa Senado. Mahigit sa P200,000 pledges ang kanilang natanggap sa ngayon.

Show comments