MANILA, Philippines - Isang low pressure area ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PagAsa) sa Mindanao.
Ayon kay Ben Oris ,forecaster ng PagAsa, ang Low-Pressure Area (LPA) ay namataan sa may 140 kilometro timog silangan ng Zamboanga City kahapon ng umaga.
Aniya, kapag ito ay ganap na naging isang bagyong tatawaging Luis.
“May tsansa maging bagyo ito. Sa ngayon ito ay nasa inter-tropical convergence zone,” pahayag ni Oris.
Sinabi din nito na ang LPA ay pinag iibayo ng intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Mindanao na maaaring magdulot ng mga pag-uulan na posibleng magdala ng flash floods at landslides sa ibat ibang bahagi ng Mindanao.
Makulimlim ang buong Metro Manila at karatig lalawigan.