Dagdag na 2 years sa basic education nakalatag na
MANILA, Philippines – Nakalatag na ang plano para sa pagbuo ng isang ad hoc board na magsasagawa ng konsultasyon tungkol sa implementasyon ng karagdagang 2 taon sa Basic Education o K12 program.
Ayon kay Senator Edgardo Angara, bagaman at hindi pa kasama sa budget ng Department of Education para sa 2011 ang implementasyon ng karagdagang 2 taon, nasa planning at assessment stage na ito.
Sinabi pa ni Angara na ang ad hoc committee board ang magrerekomenda ng karagdagang taon sa school system at kung idadagdag ito sa tertiary level, ang gastos o financial burden ay sasagutin ng mga magulang.
Pero kung ang karagdagang taon umano ay ilalagay sa primary at secondary levels, ang pondo ay dapat manggaling sa gobyerno.
Suportado ni Angara, chair ng Senate Committee on Education, Arts and Culture, ang karagdagang dalawang taon sa basic education curriculum.
Dapat umanong ipantay sa international norm ang bilang ng taon na ginugugol ng mga estudyante sa eskuwelahan dahil kabilang ang Pilipinas sa iilang bansa sa mundo na 10 taon lamang ang basic education.
- Latest
- Trending