^

Bansa

Soliman 'di pa papalitan sa DSWD

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines –  Dahil nananatili uma­nong mataas ang ra­ting ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino, wala itong ba­lak na palitan sa puwesto si Department of Social Welfare Secretary Dinky Soliman.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abi­gail Valte, walang ka­totohanan ang kuma­kalat na ispekulasyon na balak ng Pangulo na tanggalin sa posisyon si Soliman.

Nag-ugat ang nasabing ulat sa House of Representatives kung saan may nagsabing balak ilagay ng Pangulo sa DSWD si dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros.

Si Hontiveros ay isa sa mga hindi pinalad na kandidatong senador ng Li­beral Party noong nakaraang presidential elections kung saan nakasama niya si Aquino.

Hindi pa rin ito maaa­ring italaga sa Gabinete dahil sakop pa ng ban kung saan ipinagbabawal na bigyan ng posisyon sa gobyerno isang taon matapos ang eleksiyon.

Bagaman at hindi binanggit ni Valte kung may mangyayaring pagbabago sa hanay ng Gabinete pagkatapos ng one year ban, sinabi nito na walang revamp hanggang matapos ang taon.

Samantala, isa rin sa napapaulat na posibleng bigyan ng posisyon ng Pangulo pagkatapos ng one year ban ang kaniyang ka-tandem na si dating senador Mar Roxas.

AKBAYAN REP

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE SECRETARY DINKY SOLIMAN

DEPUTY PRE

GABINETE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MAR ROXAS

PANGULO

PANGULONG AQUINO

RISA HONTIVEROS

SHY

SI HONTIVEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with