^

Bansa

2 SC justice pinag-iinhibit sa Vizconde final verdict

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hiniling ni Lauro Vizconde na mag-inhibit ang dalawang Supreme Court  (SC) Justice sa pagdinig sa “final verdict” ng Vizconde massacre case.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa Bustillos, tinukoy ni Dante Jimenez, founding chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ang dalawang mahistrado na sina Justices Antonio Carpio at Conchita Morales Carpio, na umano’y magpinsan at parehong nasa hanay ng hudikatura ng SC.

Ayon kay Jimenez, base sa alegasyon ni Vizconde si Antonio ay matagal na umanong kumikilos para ma-impluwensiyahan ang kaso ng Vizconde.

Sinabi ni Jimenez na walang ginawa si Lauro Vizconde kundi tutukan ang kaso at makuha ang hustisya. Mas makabubuti umano kung aalis muna ang mga Carpio sa SC habang dinidinig ang kaso dahil wala ng mga susunod na mosyon kapag nakapagpalabas na ng final decision ang Korte Suprema.

Hiniling rin ni Jimenez sa SC na magkaroon ng live coverage sa pagdinig sa ilalabas na final decision ng SC sa kaso ng Vizconde massacre. Kailangan umano na magkaroon ng transparency sa pagpapalabas ng final decision sa kaso.

CONCHITA MORALES CARPIO

DANTE JIMENEZ

HINILING

JIMENEZ

JUSTICES ANTONIO CARPIO

KORTE SUPREMA

LAURO VIZCONDE

SUPREME COURT

VIZCONDE

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with