^

Bansa

Lahar ng Bulusan umapaw sa 2 barangay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umagos na ang lahar ng Mt. Bulusan sa dalawang barangay sa bayan ng Irosin, Sorsogon matapos umapaw sa dinaluyan nitong ilog dulot ng mga pag-ulan nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang lahar ay dumaloy sa mga barangay Cogon at Monbon.

Bunsod nito ay patuloy ang ‘dredging operations‘ ng lokal na pamahalaan para malinis at maiwasang tumigas ang lahar sa naturang mga barangay.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng 11 paglindol sa palibot ng bulkan. Isa sa mga ‘explosion type’ ay namonitor dakong alas-7:27 Biyernes ng gabi na tumagal ng 11 minuto na nagpatuloy sa loob ng 24 oras.

Nabatid pa na umaabot sa 13 tonelada kada araw ang ibinubugang sulfur dioxide ng Bulusan.

Nananatili sa alert level 1 ang status ng bulkan at pinaiiral pa rin ang 4 km. Permanent Danger Zone.

AYON

BIYERNES

BULUSAN

BUNSOD

DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

IROSIN

ISA

MONBON

MT. BULUSAN

PERMANENT DANGER ZONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with