St. Lukes isasagawa ang 'Sent By An Angel Bazaar'

MANILA, Philippines – Isasagawa ng St. Lukes Medical Center katuwang ang Arbea ang “Sent By An Angel” Bazaar sa Disyembre 17 at 18.

Ang naturang bazaar ay magbubukas mula 9 ng umaga hanggang 9 ng gabi sa Henry Sy Sr. Auditorium, Fifth Floor, St. Lukes Medical Center Global City sa Taguig.

Ang bazaar ay isa ring pagtutulungan ng Sagip Bayan Foundation at St. Lukes Medical Center.

Ayon kay Arabelle Robles, organizer, ang malilikom na pera mula sa bazaar ay gagamitin para sa kabutihan ng mga cancer patient, lalo na iyong mga bata, na nasa St. Lukes Medical Center.

Isinasagawa ang bazaar taun-taon simula 2003 ngunit ito ay natigil mula 2004 hanggang 2009.

“Kami ay napakasaya dahil muli naming maisasagawa ang bazaar. Mag-uumpisa muli kami na may layuning tulungan ang mga kabataang may sakit na cancer,” wika niya.

Bukod sa bazaar, tumatanggap rin ng mga donas­yon ang St. Lukes Medical Center para sa mga natu-rang pasyente.

Para sa impormasyon ukol sa bazaar at donas-yon, maaaring tawagan si Dynnes sa 09228205060 o kaya si Lorna sa (632)7276384 o 09177572908. 

Show comments