^

Bansa

Di ko kailangang mag-resign - DOT chief

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines – Hindi na umano kailangang magbitiw sa puwesto si Department of Tourism (DOT) Secretary Alberto Lim at sa halip ay ipinasa na lamang nito ang sisi sa nag-resign niyang undersecretary dahil sa kapalpakan na dulot ng tourism slogan nito na “Pilipinas kay Ganda”.

Sinabi ni Lim sa interview, na hindi na niya kailangan pang magbitiw sa puwesto dahil ang utak naman ng nasabing slogan na si Undersecretary Vicente Romano ay nagbitiw na sa kanyang posisyon.

Wika ng Kalihim na mayroong level ang accountability at sa tingin umano nito ang command responsibility ay hindi na dapat pang uma­bot pa sa kanya.

Idinagdag pa nito na binigyan ng full autonomy si Romano tungkol sa pro­yekto kayat ito ang accountable dito.

Matapos na sisihin ni Lim si Romano ay pi­nuri nito ang kanyang da­ting undersecretary da­hil sa pagbibitiw nito na isa umanong kapita-pitagan na kanyang ginawa.

Nilinaw pa ni Lim na hindi fall guy si Romano upang sagipin siya mula sa pagsibak ng Malacañang.

Matatandaan na uma­bot sa P5 milyon ang na­gastos ng gobyerno sa nasabing slogan subalit nasayang lamang dahil ibinasura ni Pangulong Aquino ang slogan at logo.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TOURISM

IDINAGDAG

KALIHIM

MALACA

MATAPOS

PANGULONG AQUINO

SECRETARY ALBERTO LIM

SHY

UNDERSECRETARY VICENTE ROMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with