^

Bansa

Mt. Bulusan 33 ulit niyanig

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nakapagtala ng may 33 volcanic quakes ang paligid ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seis­mology (Phivolcs) ang  33 pagyanig ay naitala maka­raang maganap ang pagbuga ng abo mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa 2 kilometro ang layo. Gayunman, humina na ang pagbubuga ng kulay puti na abo mula sa bulkan.

Nananatili naman na nasa Alert Level 1 ang naturang bulkan at patuloy na ipinatutupad ang 4 kilometrong permanent danger zone sa paligid ng bulkan o hindi ito pinapayagang mapasok ng sinumang indibidwal.

Pinapayuhan din ng Phivolcs ang mga residente doon na mag ingat sa ashfalls dahil banta ito sa kalusugan ng mga tao sa lalawigan.

ALERT LEVEL

AYON

BULKANG BULUSAN

GAYUNMAN

NAKAPAGTALA

NANANATILI

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEIS

PHIVOLCS

PINAPAYUHAN

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with