Davao, Batangas niyanig ng lindol

MANILA, Philippines - Nilindol ng 4.3 magnitude ang Davao Oriental sa  Mindanao habang intensity 3.2 na lindol ang yumanig naman sa Batangas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay naitala ganap na alas  12:19 ng madaling araw na ang  epicenter ay may  88 kilometro Timog Kanluran ng Mati, Davao Oriental.

Niyanig din ng  magnitude-3.2 lindol ang lalawigan ng Batangas kahapong alas-10:56 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa may Timog-Kanluran ng Lemery, Batangas. Tectonic ang origin ng lindol.

Show comments