MANILA, Philippines - Inaasahang papalo sa P450 milyon ang halaga ng mapapanalunan ngayon sa Grand Lotto 6/55 matapos na walang tumama sa may P423 million premyo nito noong Sabado.
Sa nakaraang 6/55 lotto draw walang nakakuha sa winning combination na 03-31-34-13-48-11.
Sinasabing sa loob ng anim na buwan ng pagbola sa 6/55 Grand Lotto ay wala pa ring nananalo simula ng unang bolahin ito noong May 15, 2010 na nagsimula sa minimum jackpot prize na P30 million.
Sabi ng PCSO, ang pondong nakukuha dito ay mapupunta sa mga proyektong pangkalusugan, medical, at programang pangkawanggawa. Donasyon ng ambulansya sa mga liblib na barangay at suporta sa mga bahay ampunan.