^

Bansa

P-Noy umaming nakikipag-date kay Liz Uy

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines –  Matapos ang ilang linggong pananahimik mismong si Pangulong Noynoy Aquino na ang kumumpirma na nakikipag-date nga siya sa kanyang stylist na si Liz Uy.

“We are spending sometime together,” sabi ni Aquino sa isang panayam sa Japan.

Sinabi ng Pangulo na lumalabas sila ni Uy kung pareho silang libre at wala naman siyang nakikitang masama dito.

Dahil sa pag-amin ng Pangulo mistulang kinumpirma na rin na break na sila ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad na co-host na ngayon ni Willie Revillame sa isang game show sa TV5.

Matatandaan na ang kalaban ni Aquino na si Senator Manny Villar ang sinuportahan ni Revillame noong nakaraang presidential election.

Pero sinabi ng Pangulo na sa ngayon ay nagre-recover pa rin siya mula sa isang relasyon na ang tinutukoy nga ay si Soledad.

“I’m just recovering also from a recent engagement,” sabi ng Pangulo.

Si P-Noy ngayon ang itinuturing na number one bachelor sa bansa at halos 22 taon ang tanda nito sa kaniyang stylist na si Uy.

vuukle comment

AQUINO

DAHIL

LIZ UY

MATAPOS

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SENATOR MANNY VILLAR

SI P-NOY

VALENZUELA COUNCILOR SHALANI SOLEDAD

WILLIE REVILLAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with