^

Bansa

Magpapalabas ng Pacquiao-Margarito fight iinspeksiyunin ng BFP kung safe

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Upang masigurong ligtas sa anumang sunog na magaganap sa lahat ng mga lugar na magpapalabas ng laban nina Pacquiao at Margarito, sinimulan ng Bureau of Fire Protection ang pagsisiyasat dito.

Aksyon ito ng kagawaran matapos na ipag-utos kahapon ni Acting fire head Chief Supt. Reuben Bearis ang pagsusuri sa mga lugar na pagdadausan ng libreng showing ng nasabing laban.

Ayon kay Bearis, dahil sa inaasahang dami ng taong manonood, kaila­ngang matiyak kung ligtas ang mga ito sa posibleng sunog.

Partikular dito ang covered courts, gyms, bars, restaurants, hotels, sinehan at iba pang entertainment centers na nag-anunsyo ng pagpapalabas ng nasabing laban.

Sa mga naturang lugar ay inaasahan na ang maraming manonood dahil sa pangunahing titignan dito kung papaano mapatumba ni Pacman si Margarito.

Kailangan anyang mas maayos na pag-iisip ang maranasan ng mga mamamayan habang nanonood na walang kaakibat na takot na baka mayroong mangyaring hindi inaasahan.

Tulad ng maayos na electrical wirings at kung sumusunod ito sa fire safety requirements.

AKSYON

AYON

BEARIS

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF SUPT

KAILANGAN

MARGARITO

PACMAN

PACQUIAO

REUBEN BEARIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with