^

Bansa

Mt. Bulusan nagbuga ulit ng abo

Nila - Angie dela Cruz/Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon kahapon ng umaga na umaabot ng 700 metro.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum Jr., dahil sa ha­ngin doon ay kumalat ang abo sa mga residente sa bayan ng Irosin at Juban na pawang sa paanan ng bulkan.

Sinabi ni Solidum na dahil sa pagluluwa ng abo ng bulkan, posibleng ito ay patuloy na mangyari sa mga darating pang mga linggo.

Noong Martes, 800 metro taas ng abo ang iniluwa ng Bulusan.

Niliwanag naman ni Solidum na walang magma at walang bagong material sa ilalim ng bulkan kayat ‘wag magpapanik ang mga tao doon dahil wala pa itong banta ng pagsabog at nananati­ling nasa alert level 1 ang bulkan.

Kapag naisailalim na anya sa alert level 3 hanggang 4 ang bulkan, tiyak na may susunod na pagsabog ito.

AYON

BULKANG BULUSAN

BULUSAN

IROSIN

JUBAN

KAPAG

NILIWANAG

NOONG MARTES

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

RENATO SOLIDUM JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with