^

Bansa

Gun ban nagtapos na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagtatapos ng nationwide gun ban kaninang hatinggabi, tuloy pa rin ang implementasyon nito sa ilang mga lugar sa lalawigan ng Basilan, Bulacan at Lanao del Sur na nabigong magdaos ng Brgy., SK elections noong Oktubre 25.

Ayon kay Sr. Supt. Noel Barraceros, PNP Deputy Spokesman, pinalawig pa ang gun ban sa buong lalawigan ng Basilan, unang distrito ng Bulacan at ilang mga lugar sa Lanao del Sur kaugnay ng gagana­ping special elections dito sa Nobyembre 13.

“The gun ban is extended until November 28 in these areas,” ani Barraceros dahil alinsunod sa patakaran ay epektibo sa loob ng 15 araw ang gun ban matapos ang special elections.

Samantala tuloy rin ang liquor ban sa Nobyembre 13 elections na limitado lamang sa mga lugar kung saan ginaganap ang natu­rang halalan.

Alinsunod sa pagtatapos ng gun ban, maari ng dalhin ng mga gun owners ang kanilang mga armas kung may Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ang mga ito na inisyu ng PNP.

Sa tala ng PNP, uma­abot na sa 926 katao ang nasakote simula ng ipatupad ang gun ban noong Setyembre 25.

BAN

BASILAN

BULACAN

DEPUTY SPOKESMAN

GUN

LANAO

NOBYEMBRE

NOEL BARRACEROS

PERMIT TO CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with